Miyerkules, Oktubre 10, 2018




Lakbay Sanaysay sa Sky Ranch Pampanga 

ni: Sharlot T. Alba






Ang paglalakbay sa isang lugar 
ay isa sa pinaka masayang karanasan na iyong mararanasan habang ikaw ay nabubuhay. Maraming pangyayari at karanasan ang hindi malilimutan sa bawat lugar na iyong malalakbay at mapupuntahan.


September 23,2018 isa sa hindi makakalimutang araw sa aking buhay ng pumunta sa isang sikat na panlibangang parke (amusement park) sa San Fernado Pampanga.

Magmula dito sa Angeles City ,Pampanga ay hindi gaanong mahirap bumyahe. Kinakailangan ng pera hindi kukulang sa halagang 100 pesos para sa papunta sa Sky Ranch Pampanga at pabalik sa iyong pinanggalingan. Sasakay sa isang jeep na deretso papuntang Sm Pampanga,San Fernando sa terminal ng Marquee mall pampanga.

Ang Sky Ranch Pampanga ay may kabuuang 22 rides na maaring tangkilikin ng lahat, matanda man o bata mayroon din itong mga booth kung saan pwedeng maglaro at makakuha ng premyo. Sa kabuuang parke hindi kinakakilangan magbayad ng entrance fee ngunit ang babayaran lamang ay ticket para sa rides na gustong subukan at sakyan.




Ang pinakasikat na atraksyon sa Sky Ranch Pampanga ang punaka malakung Ferris Wheel sa buong Pilipinas. ito ay tinatawag na Pampanga Eye sa kadahilanang tanaw ang mga lugar sa Pampanga dahil na din sa taas nito.


Ang paglakbay dito ay napaka saya dahil sa mga bagong karanasan. May takot kang marararamdan bago sumubok sa mga rides dahil ang iba dito ay extreme rides.

Katabi nito ay isang sikat na mall kung saan pwedeng magpahinga at maglibot pag katapos sumakay at mapagod sa Sky Ranch Pampanga.

Kung kaya naman ang pagpunta dito ay napaka sulit lalo na't kung kasama ang iyong mga mahal sa buhay gaya ng mga pamilya, kaibigan at maging karelasyon sa buhay.